“at the end of the day, mas pipiliin mo pa rin siguro yung taong mahal ka.”
sino ba namang hindi nag-asam na may makasama panghabang buhay na parang fairytale?
sa panahon ngayon, ako at ang cellphone ko na lang ata ang hindi naghihiwalay.
puro na lang balita na break na, o kaya iniwan ang asawa.
hinihiling ko lang naman na magkaron ako ng makakasamang magmamahal sakin hanggang nabubuhay pa ko.
yung mag-aalaga sayo at hindi ka iiwan.
siguro kapag bata ka pa, kapag gwapo at mabait naman, sasagutin mo na.
pag pinapakilig ka, tuwang tuwa ka pa lalo.
pero habang tumatanda ka, hahanapin mo na rin yung taong magmamahal sayo, kahit na hindi gwapo, kahit na kabaligtaran na nung pinangarap mo, basta alam mong mahal ka at seryoso sayo na walang halong biro, siya na din siguro ang pipiliin mo.
hindi naman dahil no choice ka lang, hindi din dahil takot ka na namang maiwan, pero dahil sa tabi nya, nakikita mo ang sarili mong nanunuod ng sunset sa may dalampasigan habang nakawheelchair na kayo pareho, habang may mga apo na kayong patakbo-takbo.